Friday, December 7, 2007

Pagbasa; Kahulugan , Proseso at Katangian at Teorya


*Pagbasa - ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo.

*Proseso at Katangian

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.

*Teorya

1. Teoryang Bottom-up
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto,bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto.
Ang proseso ng pag- unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (botom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.

2. Teoryang Top-down
Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.
Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamtit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ang interaksyon, kung gayon, ay may dalawang direksyon o bi-directional.
Masasaing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang proseso at hindi bilang produkto.

4. Teoryang Iskima
Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatwid , bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proses ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.

-=+*share ko lang po sa inyo, kasi assignment ko ito sa filipino 2, sana po makatulong sa inyo*+=-
^_^





27 comments:

KeelahRhaine said...

thank you powh ..

it is really a great help..



maraming tsalamat tlga. keep on posting and rockin tol.. hehehe

tccc

Dem^_^ said...

thank you!!!!! natapos din ung assignment ko sa Filipino 2....hehehe..

Anonymous said...

slmat po s pagpost ni2..ang lki ng nai2long s assign ko..

Unknown said...

tnX poh ^_^

ichipioku said...

salamat---nakatulong ng sobra....:) godbless

ichipioku said...

ty...

ichipioku said...

ty..

joshua agila said...

tivingohh...tnx for the information regarding this...its a big help for me to search my ass. in fil.2 again,arigatoo means thank u!

darling said...

thank you very much! this is a great help for my 1st quarter exam...

Vincent said...

thanks po sa post mo nkatulong po ng malaki sa ass. ko sa filipino rin ...thank you po tlga ...

Anjie said...

thanks... nagamit ko rin sa assignment ko sa filipino 2A...:)

HORROR said...

*GESTALT thanks anyways :)))

HORROR said...

*GESTALT thanks anyways :)))

ar-ey said...

thank you so much^^
keep it up :)

it's a big help for me!
God bless

kemberly pabera said...

salamat nang marami sau lubos na nkatulong sakin.

kemberly pabera said...

mraming salamat au...lobus na nakatulong sa akin ang iy0ng iniwan tungkul sa pag basa

santi said...

thanks sobra! assignment ko din kasi... add mo ko ahh..santi

nicole said...

thankssss :)

Anonymous said...

thanks a lot! It really helps though there are few typo errors, i guess.

Saira Lo said...

Asan po ung mga katangian?

iCe said...

maraming salamat sa iyong post.. ito ay malaking tulong para sa amin. ^^;

Anonymous said...

thankyou :)

Unknown said...

Salamat kaayo.nakatabang gyud ni sa ako first ASSIGNMENT. SALAMAT ONCE AGAIN. :-)☆☆☆☆☆ i will give you five star

Unknown said...

Salamat pre ..laking tulong .. sana daming blessing dumating sayo <3

Unknown said...

Salamat may assignment nako^_^♡♡♡

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Penlex said...

thank you!